Wednesday, December 7, 2016

PAANO KUMITA NG PERA ONLINE

Kulang ba lagi ang iyong sahod para matustusan ang mga pangangailangan mo? Naghahanap ka ba ng mapagkukuhanan ng extra income? O wala kang trabaho ngayon at kailangan mo ng mapagkukunan ng pera.. Bakit di mo subukan pagtuunan ng pansin at pag-aralan ang mga paraan kung paano kumita gamit lang ang Computer at Internet. Madali lang ang mga ito at maari mong gawin sa inyong tahanan.

Narito ang mga paraan kung paano kumita ng pera online:

1. Magtrabaho ka sa iyong tahanan bilang isang freelancer at ialok ang iyong serbisyo.


     Ang pagiging freelancer at pagbibigay ng serbisyo ayon sa kakayahan o "skills" na napag-aralan ang kadalasang ginagawa ng mga tao online para kumita ng pera sa kanilang tahanan. Marami na ngayong tao ang nasa trabahong pagbibigay ng serbisyo online. Ang iba ay part time lang para pandagdag ng kita nila pero may iba naman na ginagawa itong fulltime na trabaho. Maganda ito dahil nakakatipid ka sa oras at gastusin dahil sa bahay mo lang ito ginagawa. Maaari kang kumita dito ng Php 15,000 o higit pa (depende yan sa kung anong serbisyo ang inaalok mo) kada buwan.

Subukan puntahan ang mga site na ito para makapagtrabaho ka bilang freelancer:

www.fiverr.com
www.indeed.com
www.freelancer.com
http://minijobz.com
www.shorttask.com
www.freelanced.com
www.justanswer.com


2. Magtinda ng mga Produkto Online.


     Puwede ka ring magtinda ng mga produkto mapa secondhand man o brandnew. Usong-uso yan ngayon lalo na sa facebook. Bukod sa mga gamit, damit, gamot at beauty products ay maaari ka ring magbenta ng e-books.

3. Magtrabaho bilang isang tutor online.


     Kung nakapagtapos ka man ng kursong may degree at di ka pa nakapag exam or nakapasa sa Board Exam, maaari kang maging isang tutor at ituro mo ang mga bagay na alam mo o eksperto ka.


     Maraming tao rin lalo na ang mga Asiano gaya ng mga Koreano or Hapon ang naghahanap ng mga English Language tutor kaya pwede mo itong pasukin ang magturo online ng English Language.

4. Sumali sa mga Affiliate Programs.

     Ang pagsali sa mga Affiliate Programs ay isa ring magandang paraan para kumita ng pera online. Kapag nakasali ka na, ipromote mo ang produkto o serbisyo mula sa affiliate sources at kikita ka ng mga komisyon.
Ang halimbawa ng affiliate site na maaari mong salihan ay ang Amazon o kaya naman ay ang Lazada na kilalang-kilala ngayon. Marami pang ibang Affiliate Programs na puwede mong mahanap sa web at makakapili ka ng sakto sa kung ano ang gusto mo.



5. Kumita ng pera sa pamamagitan ng Blogging.

     Isa sa pinakapopular na paraan para kumita ng pera online ay sa pamamagitan ng blogging. Kung mahilig ka magbahagi ng anumang bagay na alam mo o naranasan mo, puwede mong gamitin ang Blogging para kumita ng pera. Puwede kang gumawa ng libreng blog mo sa blogspot ng google o sa wordpress blog.
(Ipinapayo ko na gumawa ka sa blogspot.com kung baguhan ka at gusto mong makapag advertise agad para kumita).

Kapag nagawa at naayos mo na ang iyong blogsite ay maaari mo na siyang pagkakitaan sa pamamagitan ng:

          1. Advertisement
          2. Paid or sponsored post
          3. Maging Affiliate at magtinda ng Affiliate products
          4. Ibenta mo ang iyong blog

Napakaganda ng blogging dahil puwede mo isulat dito lahat ng alam mo o puwede rin na ishare mo sa iba ang hilig mo gaya ng mga pag-drawing, puwede rin ang pagluluto lalo na kung may kakaiba kang alam na mga recipe. Maipapakita mo sa blogging ang pagiging Unique mo. Bukod sa nagagawa mo na ang hilig mo, kumikita ka pa. Alam mo ba na may mga blogger na kumikita ng $500 o higit pa sa isang buwan sa pamamagitan lang ng blog nila? Ang galing di b, nag-eenjoy habang kumikita.



     Mas masarap at maginhawang magtrabaho sa bahay. Bukod sa kumportable ka, mas marami ka pang oras para sa pamilya mo o sa ibang activities na hilig mo. Kung sawa ka na sa paulit-ulit na routine mo sa araw-araw mong pagtatrabaho, panahon na para subukan mong kumita online at maging malaya ka..





No comments:

Post a Comment